
TUNGKOL SA PLASTIK ‘DI WALASTIK!
Ang “Plastik 'di Walastik!” ay isang mixed-media digital campaign na nagpapahayag ng environmental consequences ng polusyon sa plastik sa Navotas City at naglalayong alamin ang mga sumusunod:


Ipakita ang epekto ng plastic pollution sa mga buhay ng mga nasa coastal area ng Navotas City


Magkaroon ng progresibong environmental messaging campaign


Ang Earth Island Institute (EII) ay isang international environmental non-profit organization na itinatag noong 1982 para sumuporta sa mga grassroots eco-campaigns at wildlife conservation. Dito sa bansa, aktibo ang Earth Island Institute Philippines sa pagprotekta ng marine wildlife tulad ng mga dolphin at pawikan, habang nakikipaglaban laban sa single-use plastics at corporate waste. Katuwang din nila ang mga lokal na mangingisda at komunidad sa mga coastal areas upang ipagtanggol ang kalikasan at ang kanilang kabuhayan. Ang kanilang layunin ay gawing mas mulat at may pananagutan ang bawat isa tungo sa isang malinis at maaliwalas na karagatan.

Ang PAMALAKAYA-Navotas ay ang lokal na chapter sa Navotas City ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, isang pederasyon ng maliliit na mangingisda. Binubuo ito ng mga residenteng mangingisda at kanilang pamilya mula sa mga coastal community ng Navotas na pangunahing umaasa sa dagat para sa kanilang kabuhayan. Aktibo nilang ipinaglalaban ang tradisyunal na pangisdaan laban sa mapaminsalang reklamasyon, demolisyon, at polusyon sa Manila Bay. Nagsisilbi silang boses ng komunidad upang ipagtanggol ang kalikasan at matiyak ang sapat na pagkain at makatarungang kita para sa mga taga-baybayin.


